Biyernes, Pebrero 9, 2018

Pag Asa

     Bilang isang tao, napakaraming pagsubok ang dumarating sa'tin araw araw. Karamihan saatin nawawalan na ng pag asa, sumusuko na sa buhay. Ang buhay ng tao ay parang dagat. May mga Alon na hindi humihinto sa paghampas sa dalampasigan parang ang buhay ng tao. Hindi humihinto sa pagsubok ng buhay,   hindi tumitigil sa paghampas sa problema minsan akala natin hinding hindi na masusulusyunan. Ngunit sa kabila ng mga alon na dumating sa dalampasigan, sisikat at sisikat parin ang bagong liwanang  na nagsisilbing pag asa ng bawat isa saatin. Pagsapit ng bukang liwayway sagisag nito ang bagong buhay, na kahit gaano paman kahirap kahit ano pamang problema ang dumating kailangan parin nating magpatuloy sa buhay. Dahil habang patuloy na sumisikat ang araw napakarami paring dahilan para mabuhay. 


Napakaraming dahilan para magpatuloy. Gaano man kalakas ang alon, may paraan para lampasan ang mga problema. May mga tulay na maaring tahakan sa bawat alon na dumaan. Kaya patuloy lang ang pag agos ng buhay at wag na wag mawawalan ng pag asa. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento