Sa apat na sulok ng paaralan doon mo matatagpuan ang iba't ibang uri ng mga estudyante sa apat na sulok na yun ay ang saksi sa mga hirap, saya, lungkot ng bawat estudyante Mga estudyanteng may iba't ibang mundo. May iba't ibang personalidad. Meron man silang iba't ibang paniniwala, kultura, at tradisyon magkakapatid at iisa lang ang turingan sa isa't isa. Sa hirap ng quiz, exam, project nagkakaisa parin at nagtutulungan. Simple ko lamang inilarawan ang section kung saan ako kabilang ang BSED 3C- 2 MAPEH! 💞
Meron din kaming tinawag na Walking Bible. 😁😂 may mga kaklase kaming napaka makadiyos. Binabahagi ang Salita ng Diyos. Mga na shashare sila ng mga verses at kung ano pang patungkol sa Bible. Minsan ay meron pa silang Pa Bible Service. ➕
Meron din namang natutulog habang naghihintay sa pag dating ng professor. Yung konte nalang ayaw paistorbo. 😂😂
Hindi rin naman magpapatalo yung mga COUPLES sa loob ng classroom . 💞💞 masaya lsila kahit sila lang ang magkasama. Parang konte nalang hindi mo na sila mapaghiwalay. Wala kayang FOREVER no! 😁😁🤣
At syempre Millenial na tayo, hinding hindi mawawala sa loob ng classroom ang mga mahihig magselfie or groupie. 😁😂 Yung makakikita o mahawakan mo lang ang Cellphone nila andami mo ng mga ulong makikita. 😁😁😂 na kahit nakatalikod ka maririnig mo yung pag click ng kamera. Mga mukhang napakasarap titigan.
Iilan lamang yan sa mga makikita mo sa loob ng classroom. Napakasarap gunitan napakasarap magbalik tanaw. Dapat hababg nag aaral ka patuloy ka parin gumawa ng magandang ala ala kasama ang kaklase at barkada. 💗💗
Ps : Sobrang proud ako sa SECTION KO. BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN MAPEH BSED 3C-2 FAMILY





