Biyernes, Pebrero 2, 2018

BARYA


      Sa bawat araw na paglalakad ko sa Ftanedo Street sila ang lagi kong nadadaanan Nakaupo sa harap o tabi na simbahan na may hawak hawak na drum na laruan lamang ng karaniwang bata at maririnig mo ang kanilang tinig na paghingi nila ng tulong sa bawat taong dumadaan. Bawat nakikita ko sila ay parang nalulusaw ang dibdib ko sa sobrang awa sakanila, at naiisip ko na napaka swerte ko parin talaga. Ngunit hanggang kailan nila gagawin ang panlilimos na iyon? Laging nasasagi sa isip ko ang "Wala ba silang kamag anak na tumutulong sakanila? " wala ba silang mga anak na pwedeng gumabay sakanila? Bilang estudyante ngayun kasalukuyan at magiging guro sa hinaharap, gusto kong tumulong sakanila sa pagbibigay ng kaunting tulong sa pamamagitan ng pag abot ng kaunting barya sakanila. Kaunting barya na nakakapag pasaya sakanila kaunting barya na nakakapagpakabusog sakanila.  Sana sa pamamagitan ng kaunting barya makatulong at masaya natin sila dahil ang panlilimos sa daan ay hindi madali, nakabilad sa araw dinadaan daanan ng maraming tao, at kinukutcha ng nakararami. Kahit ganun man ang estado nila sa buhay wag natin sila pandirian bagkus atin silang tulungan. Dahil may kasabihan tayo na " It's always better to give than to receive "




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento