Biyernes, Marso 2, 2018

Buhay Estudyante

Sa apat na sulok ng paaralan doon mo matatagpuan ang iba't ibang uri ng mga estudyante sa apat na sulok na yun ay ang saksi sa mga hirap, saya, lungkot ng bawat estudyante Mga estudyanteng may iba't ibang mundo. May iba't ibang personalidad. Meron man silang iba't ibang paniniwala, kultura, at tradisyon magkakapatid at iisa lang ang turingan sa isa't isa. Sa hirap ng quiz, exam, project nagkakaisa parin at nagtutulungan. Simple ko lamang inilarawan ang section kung saan ako kabilang ang BSED 3C- 2 MAPEH! πŸ’ž




Meron din kaming tinawag na Walking Bible. πŸ˜πŸ˜‚ may mga kaklase kaming napaka makadiyos. Binabahagi ang Salita ng Diyos. Mga na shashare sila ng mga verses at kung ano pang patungkol sa Bible. Minsan ay meron pa silang Pa Bible Service. ➕


Meron din namang natutulog habang naghihintay sa pag dating ng professor. Yung konte nalang ayaw paistorbo. πŸ˜‚πŸ˜‚


Hindi rin naman magpapatalo yung mga COUPLES sa loob ng classroom . πŸ’žπŸ’ž masaya lsila kahit sila lang ang magkasama. Parang konte nalang hindi mo na sila mapaghiwalay. Wala kayang FOREVER no! 😁😁🀣


At syempre Millenial na tayo, hinding hindi mawawala sa loob ng classroom ang mga mahihig magselfie or groupie. πŸ˜πŸ˜‚ Yung makakikita o mahawakan mo lang ang Cellphone nila andami mo ng mga ulong makikita. πŸ˜πŸ˜πŸ˜‚  na kahit nakatalikod ka maririnig mo yung pag click ng kamera. Mga mukhang napakasarap titigan. 

Iilan lamang yan sa mga makikita mo sa loob ng classroom. Napakasarap gunitan napakasarap magbalik tanaw. Dapat hababg nag aaral ka patuloy ka parin gumawa ng magandang ala ala kasama ang kaklase at barkada. πŸ’—πŸ’—


Ps : Sobrang proud ako sa SECTION KO. BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN MAPEH  BSED 3C-2 FAMILY

Biyernes, Pebrero 23, 2018

MY SUPERHERO

I salute all Fathers out there. πŸ’ž special my Dearest Tatay! 🀡 Having a Father is such a wonderful blessings from god to us. Our father is the reason why we exist in the universe. My Tatay is the best Tatay in the whole world. My Tatay is very down to earth person, he always keep his feet on the ground. He always think our own sake before himself. My Father is someone who always proud of all my achievements in life, someone who believes in me, someone who had a million patience in everything. Someone who always gave me an advice, someone you can count on, my number 1 supporter in every decision i make, he always love me despite of all my failures in life, he is my comforter, he is very loveable and hardworking Father. If I will be given a chance to leave again I still choose him as my Father. He is my definition of Perfect Tatay. In return of all his sacrifices, I will pursue my dreams, a dreams to become a successful Teacher someday, because his dream is MY SUCCESS!! And I promise to him that I can do anything that can make his proud. And I will not do anything that can make his sad and that can make away from me, because he is only one nothing could change to HIM. πŸ’—πŸ’—









PS : Im so Proud to you Tatay. I will always make you proudπŸ’žπŸ’žπŸ’— Iloveyouuu! πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ’žπŸ’žπŸ’—


Biyernes, Pebrero 16, 2018

TO THE MAN I LOVE

    TO THE MAN I LOVE

       Everyone of us like a surprise, we want to be special to be person we love the most. We want to feel that we are the only in his/her heart.
   Aug. 11 2017. We celebrate my longlast boyfriend our 3rd Anniversary. We never expect that we still together after all struggles we had. We felt sick of to each other. We always fighting and fighting to the nonsense issue but at the end of the day we fixed the things that we fought for.
     He had a work. He never knew that Im in their house, because i prepared a surprised for him I ask the help of his Brother and cousin for the preparation, While doing our surprise to him. I really dont know how I feel. Im excited to see my effort because I want to show to him that I love him very much. And I will never ever get ashamed to make an effort to show my love to him because I want to make him happy and Contented because he had me. I hope we last our relationship until we grow because because I wanna grow old with him πŸ’“πŸ’“πŸ’“




Biyernes, Pebrero 9, 2018

Pag Asa

     Bilang isang tao, napakaraming pagsubok ang dumarating sa'tin araw araw. Karamihan saatin nawawalan na ng pag asa, sumusuko na sa buhay. Ang buhay ng tao ay parang dagat. May mga Alon na hindi humihinto sa paghampas sa dalampasigan parang ang buhay ng tao. Hindi humihinto sa pagsubok ng buhay,   hindi tumitigil sa paghampas sa problema minsan akala natin hinding hindi na masusulusyunan. Ngunit sa kabila ng mga alon na dumating sa dalampasigan, sisikat at sisikat parin ang bagong liwanang  na nagsisilbing pag asa ng bawat isa saatin. Pagsapit ng bukang liwayway sagisag nito ang bagong buhay, na kahit gaano paman kahirap kahit ano pamang problema ang dumating kailangan parin nating magpatuloy sa buhay. Dahil habang patuloy na sumisikat ang araw napakarami paring dahilan para mabuhay. 


Napakaraming dahilan para magpatuloy. Gaano man kalakas ang alon, may paraan para lampasan ang mga problema. May mga tulay na maaring tahakan sa bawat alon na dumaan. Kaya patuloy lang ang pag agos ng buhay at wag na wag mawawalan ng pag asa. 

Biyernes, Pebrero 2, 2018

BARYA


      Sa bawat araw na paglalakad ko sa Ftanedo Street sila ang lagi kong nadadaanan Nakaupo sa harap o tabi na simbahan na may hawak hawak na drum na laruan lamang ng karaniwang bata at maririnig mo ang kanilang tinig na paghingi nila ng tulong sa bawat taong dumadaan. Bawat nakikita ko sila ay parang nalulusaw ang dibdib ko sa sobrang awa sakanila, at naiisip ko na napaka swerte ko parin talaga. Ngunit hanggang kailan nila gagawin ang panlilimos na iyon? Laging nasasagi sa isip ko ang "Wala ba silang kamag anak na tumutulong sakanila? " wala ba silang mga anak na pwedeng gumabay sakanila? Bilang estudyante ngayun kasalukuyan at magiging guro sa hinaharap, gusto kong tumulong sakanila sa pagbibigay ng kaunting tulong sa pamamagitan ng pag abot ng kaunting barya sakanila. Kaunting barya na nakakapag pasaya sakanila kaunting barya na nakakapagpakabusog sakanila.  Sana sa pamamagitan ng kaunting barya makatulong at masaya natin sila dahil ang panlilimos sa daan ay hindi madali, nakabilad sa araw dinadaan daanan ng maraming tao, at kinukutcha ng nakararami. Kahit ganun man ang estado nila sa buhay wag natin sila pandirian bagkus atin silang tulungan. Dahil may kasabihan tayo na " It's always better to give than to receive "




Biyernes, Enero 26, 2018

A Crowd of People

Tumingin ka sa paligid, napakaraming tao, nakaparaming mukha ngunit iba't ibang personalidad, iba't ibang emosyon ang nakapaskil sakanilang mga mukha. Lungkot, saya, takot at pangamba. At sa likod ng mga emosyong iyon bawat isa ay may kalakip na kwento, mga kanya kanyang pinagdaanang pagsubok. Tumingin ka ulit sa iyong paligid, ang napakaraming tao ay tuloy pa rin sakani kanilang mga buhay, sakani kanilang gawain at tuloy pa rin sa pakikipaglaban sa mundong kanilang ginagalawan.