Tumingin ka sa paligid, napakaraming tao, nakaparaming mukha ngunit iba't ibang personalidad, iba't ibang emosyon ang nakapaskil sakanilang mga mukha. Lungkot, saya, takot at pangamba. At sa likod ng mga emosyong iyon bawat isa ay may kalakip na kwento, mga kanya kanyang pinagdaanang pagsubok. Tumingin ka ulit sa iyong paligid, ang napakaraming tao ay tuloy pa rin sakani kanilang mga buhay, sakani kanilang gawain at tuloy pa rin sa pakikipaglaban sa mundong kanilang ginagalawan.
